^

PSN Opinyon

Sec. Lina kaya mo bang hambalusin sina Ruben Pineda, SPO2 Romy Lopez at SPO1 Ed Morata ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SOBRA talaga ang tapang ng gambling lord na si Ruben Pineda at nakuha pa niyang magpalawak ng puwesto habang nasa kainitan ang kampanya ni Interior Secretary Joey Lina laban sa jueteng. Sino kaya ang padrino nitong si Pineda at hindi niya pinapansin ang nagtatalsikang laway ni Lina sa pagbabanta niya sa pulisya at local government officials na ‘‘more heads will roll’’ dahil sa pagpabaya ng mga ito sa kanyang jueteng campaign?

Kung sabagay, ito palang si Pineda ay kababayan ni President Gloria Arroyo. Paalala lang mga suki, hindi ko sinabi na si GMA ang protektor ni Pineda ha? Pero maaaring nasa paligid lang ni GMA ang protektor niya di ba?

Ayon sa mga pulis na nakausap ko, ito palang si Pineda ay nagbukas ng jueteng sa limang bayan sa Batangas kamakailan. Siya rin umano ang financier ng jueteng operations sa probinsiya ng Cavite at Rizal, ano ba ’yan? Mukhang sobra rin ang lakas ng protektor nitong si Pineda dahil hindi man lamang niya inaalintana ang nagtatalsikang laway ni Lina. Inaarok kaya ni Pineda kung hanggang saan ang pasensiya ni Lina? Pero paano naman mapasara ni Lina itong jueteng operations ni Pineda eh pasok naman daw siya sa Task Force Jericho, ang operating arm ng DILG. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin ni Pineda pero sa tingin ko abot ni Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Jericho, ang tinutukoy niya. Maraming pulis ang nakapuna na mukhang naghihingalo na ang jueteng campaign ni Lina nitong mga nagdaang araw. Dahil kaya sa pagkaaresto ng limang tauhan ng Jericho sa Maynila kung saan naebidensiyahan silang nangongotong?

Mula ngayon kahit anong aksiyon pa ang gagawin ni Lina palaging nakasabit sa kanyang balikat itong kaso ng limang pulis. Kung bukas ang mga pa-jueteng ni Pineda, mukhang sa Metro Manila ay nag-full blast na rin ang operation ng illegal na sugal kung gagawing basehan ang mga aksiyon ni SPO1 Ed Morata na nagpapakilalang opisyal ng kolektor ng bagong upo na hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco.

Ayon sa mga pulis na nakausap ko, panay ang ikot ni Morata sa Kamaynilaan at inaabisuhan ang mga gambling lords na huwag i-intertain ang kung sinuman at makipagkita na lang sa kanya ng personal kung ang para sa opisina ni Velasco ang pag-uusapan. Bagyo kaya itong si Morata kay Velasco?

Titingnan natin, mga suki kung hanggang saan ang ‘‘lakas’’ niya. Sa intelligence naman o R-2 ng NCRPO, si SPO2 Romy Lopez ang ginagamit ni Sr. Supt. Luisito Palmera, anang mga pulis na nakausap ko. Sa pagmayagpag nina Pineda, Morata at Lopez di ba sapat na katibayan na ’yan mga suki na bukas na bukas ang pasugalan hindi lang sa Kamaynilaan kundi sa buong bansa? May kakayahan pa kaya si Lina na hambalusin itong sina Pineda, Morata at Lopez? Abangan.

vuukle comment

AYON

ED MORATA

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

JUETENG

KAMAYNILAAN

KUNG

LINA

MORATA

PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with