Ilang butil ng kaalaman
August 9, 2002 | 12:00am
ANG eucalyptus na kung tawagin ay blue gum tree ay naging popular bilang flavoring ng mentol candies. Ang eucalyptus na pagkain ng mga koala bears sa Australia ay mabisang gamot sa maraming sakit. Ang dahon ng eucalyptus ay ginagamit na antiseptic at ang healing power nito ay napatunayang mabisa lalo na sa respiratory diseases, asthma at intestinal disorders. Ang dahon ng eucalyptus ay ibinababad sa tubig tapos ay pinaiinom sa mga may whooping cough. Sa mga nagsisikip ang dibdib at hirap sa paghinga ay malaking tulong din ang eucalyptus. Marami na ang nagpatunay na ang pinatuyong dahon ng eucalyptus ay ginagamit sa aeromatic therapy.
Karamihan sa tinatamaan ng AIDS ay mga Pilipinong seamen. Kasabihan na theres a girl in every port kaya karamihan sa mga seamen ay hindi maging maingat sa pakikipagtalik sa mga babaing akyat-barko. Sumusunod sa mga seamen na nagkaka-aids ay ang mga domestic helpers, nurses at entertainers.
Sa 80 milyong Pilipino ngayon, umaabot sa 1.8 milyong porsiyento ang nagugutom dala ng kahirapan. Ayon sa pinakahu- ling survey ng Social Weather Station (SWS) 11.5 porsiyento ang bilang ng mga nagu-gutom mula sa dating 11.1 porsiyento.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest