^

PSN Opinyon

Ang pananalig ng babae

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo sa araw na ito, may isang napakagandang kuwento tungkol sa pananalig ng isang tao na hindi Judio. Ang babae’y isang Cananea.

Sundan natin ang kuwento ni Mateo (Mt. 15:21-28).

‘‘Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, ‘Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.’ Ngunit gaputok ma’y di tumugon si Jesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, ‘Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.’ Sumagot si Jesus, ‘Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.’’ Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, ‘Tulungan po ninyo ako, Panginoon.’ Sumagot si Jesus, ‘Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.’ ‘Tunay nga po, Panginoon,’ tugon ng babae, ‘ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.’ Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.’ At noon di’y gumaling ang kanyang anak.’’


Tiyak na nabalitaan ng babaeng ito ang tungkol sa mapagpagaling na kapangyarihan ni Jesus. Kung kaya’t lumapit siya sa kanya. Kaagad siyang nagmakaawa, ‘Panginoon, ang aking anak na babae ay inaalihan ng demonyo…’’ Di-pinansin ni Jesus ang babae. Nagpumilit ang babae. Ipinamanhik din ng mga alagad na agad nang pagbigyan ang babae upang ito’y umalis na. Bilang tugon, sinabi ni Jesus sa babae na ang misyon niya’y tanging para sa naliligaw na mga tupa ng sambahayan ng Israel lamang.

Naunawaan ng babae na ang sambahayan ng Israel ay binubuo ng mga taong may pananalig kay Yahweh tulad nina Abraham, Isaac at Jacob. Upang subukin ang kanyang pananalig, sinabi ni Jesus sa babae na hindi nararapat na kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta. Subalit sa halip na makaramdam ng pagkatatwa, iginiit ng babae na kahit ang mga tuta ay kumakain ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag o mesa ng amo. Ito ang pagpapahayag ng pananalig ng naturang babae. Bahagi rin siya ng sambahayan ng Israel – hindi sa dugo, kundi sa pamamagitan ng kanyang pananalig. At ginantimpalaan ni Jesus ang kanyang pananalig. Pinauwi siya ni Jesus at napagaling ang kanyang anak.

Sinabi ni Jesus sa babae, ‘‘Napakalaki ng iyong pananalig!’’ Manalangin na sa buhay ninyo kayo rin ay magkaroon ng napakalaking pananalig kay Jesus.

ANAK

BABAE

BAHAGI

JESUS

NAPAKALAKI

NGUNIT

PANANALIG

PANGINOON

SUMAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with