^

PSN Opinyon

Isang senador at governor suki ng first class 'pokpok'

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang pareho palang paborito ng isang senador at governor ang isang magandang prosti?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Elmer ‘‘Bong’’ Labog ng Kilusang Mayo Uno; Jeremy Regino ng Philippine Tourism Authority; Winnie Villarosa ng Malacañang Press Office; Erwin del Fierro, Ernie Geron, Ronron Sison at Teresa Lagumbay ng Hong Kong.
* * *
Alam n’yo bang parehong suki ng isang first class prosti ang isang senador at isang governor?

Ayon sa aking bubuwit, talagang hindi masisisi ang dalawang opisyal na ito kung bakit parating kinukuha ang serbisyo ng pokpok girl na ito. Talaga namang saksakan ng ganda at sexy. Ito ay maputi at talaga namang ang kinis-kinis ng balat. Parang kutis porcelana. Kaya atat-na-atat si Mr. Senator at Mr. Governor na makapiling ang chiching na ito.

Sabi nga ng aking bubuwit, hindi ka magsasawa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kahit pokpok ang nasabing chiching, siya ay hindi mapagkakamalang pokpok. Puwede siyang ipagmalaki at ipang-display.

Kung beauty din lang ang pag-uusapan, walang binatbat sa kanya ang ibang artista.

Bukod sa maganda at sexy at makinis, ito ay medyo bata pa. Nasa early twenties lang siya. Bukod diyan, hindi rin masyadong kamahalan ang kanyang presyo.

Para kay senator at governor, barya-barya lang sa kanila ang P30,000 para sa first class prosti na ito.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, talagang first class na prosti ang chiching dahil pang-first class din ang kanyang taste.

Magandang magdamit, signature ang mga isinusuot at higit sa lahat, mamahalin ang kanyang kotse. At kotse ng naturang prosti ay Lexus.

Ang nasabing first class prosti na paborito ng senador at gobernador ay itago na lang natin sa pangalang Vivian.

At ang dalawang opisyal naman na magkasosyo at nag-uunahan sa pagkuha sa serbisyo ng first class prosti ay sina…

Ay sina Gov. L. at si Sen. R.

vuukle comment

AYON

BUKOD

ERNIE GERON

HONG KONG

JEREMY REGINO

KILUSANG MAYO UNO

MR. GOVERNOR

MR. SENATOR

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with