Patuloy ang pagiging paruparo ng ilang pulitiko. Parang flavor of the month ang pulitiko na lilipat ng partido. Ilang lider ng oposisyon at mga identified sa kampo ni dating President Estrada ang nasa administrasyon na. Ayon sa ilang political analysts, uso na naman ang political piracy at nagaganap ito dahil sa personal na motibo at malayo sa iginigiit ng ilan na ang paglukso sa ibang kampo ay ginawa bilang patriotismo o pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan at mamamayan. Hindi na kailangan pang pangalanan ang mga pulitikong balimbing. Batid ng taumbayan ang dahilan ng pagiging politikal butterflies nila.
Nakalalamang ang personal interest. May mga tumatanggi sa paratang na silay tulad sa mga paruparong dumadapo at sumisimsim sa nektar ng ibat ibang bulaklak at nagiging salawahan at puno ng pagbabalatkayo.
Maging anuman ang mga naturingang paruparong pulitiko ay huhusgahan sila ng mga taumbayan lalo na ang mga kakandidato sa 2004 presidential election.