Nagbibingi-bingihan si Lina sa bulilyaso ng TF Jericho
July 31, 2002 | 12:00am
HABANG tumatagal kumakapal ang ebidensiya na kumokolekta ng intelihensiya itong Task Force Jericho sa mga pasugalan subalit patuloy na nagbibingi-bingihan lang si Interior Secretary Joey Lina. Pero sa tingin ko, itong huling bulilyaso ng Task Force Jericho ay mapupuwersa na si Lina na umakto dahil kung hindi lalakas lalo ang suspetsa ng sambayanan na nakikinabang siya talaga sa operasyon ng jueteng sa bansa.
Ang tinutukoy ko mga suki ay ang pagkahuli ng limang operatiba ng Task Force Jericho sa Maynila sa kasong kidnapping at robbery extortion sa naaresto nilang dalawang empleado ng isang racehorse bookie joint sa Iridium St., sa Sta. Ana noong Linggo. Ang mga inaresto ay sina SPO1 Jesus Acejo, PO1 Danilo Hamila, PO1 Ricardo Luciano, PO1 Fred Paraon at PO1 Manolito Prado, lahat ng Task Force Jericho.
Ayon sa reklamo nina Michelle del Mundo at Rosemarie Martinez sila ay inaresto ng taga-Task Force Jericho, ang operating arm ni Lina, noong Hulyo 28 sa isang bookie joint sa Eloriaga St., San Andres Bukid bandang alas-6 ng gabi. Ang dalawa ay hindi dinala sa presinto o sa opisina ng Task Force Jericho kundi sa bahay ni Acejo, ang team leader ng grupo, sa 2448 Iridium St., nga. At hindi lang yan, tumawag pa ang isang PO2 Ferdinand Sulpico, na nagyayabang na direkta siya kay Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho, at sinabihang ang magulang ni Del Mundo na si PO3 Bonifacio Abad na matutubos niya ang kanyang anak sa halagang P10,000.
Matapos ang ilang ulit na text messages, nagkasundo ang magkabilang grupo na magkita kaya lang may kasamang mga kapwa pulis itong si Abad at naganap nga ang entrapment operation. Hindi narekober ang P10,000 subalit si Hamila ay positibo ng ultra violet flourescent powder, ibig sabihin nahawakan niya ang pera. Hindi pa kaya matibay na ebidensiya ito para kay Lina na ginigisa ang pangalan niya ng Task Force Jericho para kumuha ng pera sa pasugalan?
Itong si Sulpico kasi at ang isa pang SPO1 Bong Sioson ang ibinulgar kong nasa likod ng malawakang tong collection ni Estanislao sa Maynila. At kaya mainit sila kay Abad dahil pinagsuspetsahan nila itong siya ang nag-tip sa akin ng kanilang ilegal na aktibidades. Kawawang Abad. Panahon na siguro para sibakin ni Lina si Estanislao sa kasong command responsibility. Kung ang pitong matataas na opisyales ng pulisya ay sinibak niya kahit walang nakitang ebidensiya na nakinabang sila sa jueteng, ano pa ang dahilan niya para kalungin si Estanislao? Tanong ng mga junior officers ng pulisya natin. Ika nga the buck stops at Estanislao dahil kung hindi ang ulo ni Lina mismo ang hihilingin ng sambayanan.
Sa pagkaaresto ng limang taga-Task Force Jericho, sigurado akong kung anu-anong damage control na ang gagawin ng opisina ni Lina para mailayo ang sarili niya sa kaso. Nagbabantay ang sambayanan Sec. Lina Sir. Matibay ang ebidensiya at hindi mo na sila maloloko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended