^

PSN Opinyon

Mga huwaran

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
DALAWANG kandidato para sa pagka-punong barangay sa Tarlac ang tumatayo ngayong ehemplo na dapat sana’y tularan ng ating mga nagbabangayang senador. Ang naglabang kandidato ay nagtamo ng sindami ng boto sa nagdaang halalan. Nilutas ang naturang tabla sa pinaka-simple at pinaka-marangal na paraan.

Hindi nagtawag ng rally o lumikha ng gulo sina Delfin Lacuesta, ang ‘‘incumbent chairman’’ ng Barangay Sto. Domingo, at ang kanyang katunggali na si Richard Tipa. Wala ring press conference na ipinatawag at walang nadamay na taga-media.

Walang palitan ng maaanghang na salita, wala ring nanirang-puri at walang debate. At higit sa lahat, walang nasayang na pondo ng gobyerno. Maging ang opisyal mula sa Commission on Election na inatasang ayusin ang gusot ay humanga sa paraang ginamit ng mga kandidato.

Paano nila nilutas ang tabla? Sa pamamagitan ng ‘‘cara y cruz.’’ Napagkasunduan nina Lacuesta at Tipa na kung sino ang makakuha ng ‘‘cara’’ o ‘‘mukha’’ sa kanilang initsang barya, siya ang tatanghaling panalo. Si Lacuesta ang nagwagi at nagkamay ang dalawa upang gawing ganap ang kasunduan.

Mahirap asahan ang ating mga senador na tularan ang ginawa nina Lacuesta at Tipa. Sino kaya ang mas marangal? Tataya ako kina Lacuesta at Tipa.

BARANGAY STO

DELFIN LACUESTA

DOMINGO

LACUESTA

MAHIRAP

NAPAGKASUNDUAN

NILUTAS

RICHARD TIPA

SI LACUESTA

TIPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with