Hangad ni Sen. Tessie Oreta i-regulate ang training at licensing ng physicians. Pero sa pag-define nito sa physician na isang uri ng doktor, sinagasaan ang propesyon ng pharmacy. Sabi sa Oreta bill, tungkulin ng physician na mag-diagnose, treat, operate, or prescribe and dispense any remedy for any human disease." Labis ito sa matagal nang definition ng doktor sa Medical Act of 1959, kung saan ito ay taga-diagnose, treat, operate or prescribe" lang. Ang tungkuling pag-prepare and dispense" ng gamot ay sakop naman ng Pharmacy Law.
May rason ang paghihiwalay ng tungkuling doktor at pharmacist. Kapag na-diagnose ng doktor ang sakit, lulunasin ito at magrereseta ng gamot, generic man o branded. Trained naman ang pharmacist sa timpla at supply ng drugs, maging generic o brandname ang naka-reseta. Kapag ibinigay sa physician ang pag-dispense ng drugs, hindi makakapili ang pasyente ng gusto at abot-kaya niya. Mapipilitan siyang bilhin ang kung anong inaalok ng doktor.
Walang provision sa bill para lisensiyahan ang physicians tulad ng pharmacists. Labag ito sa Generic Drugs Law at Consumer Code. Kontra din sa Constitution na nagsasabi sa Art. II, Sec. 15: "...protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them."
Pati rin sa Art. XIII, Sec. 12, na nagsasabi: "The State shall establish and maintain an effective drug regulatory system."
Talo rin ang gobyerno. Mahirap na nga maningil ng income tax sa mga doktor. Kung maging batas ang bill, baka isama na sa professional fees ang gamot na ibebenta ng physicians. Wala ring resibo. Di tulad ng pharmacists na obligado magresibo at magbayad ng sales taxes.