Sonny Parsons tunay na ama
July 28, 2002 | 12:00am
NALATHALA sa mga pahayagan ang nangyari sa dating singer at action star na si Sonny Parsons noong isang linggo sa Marikina City.
Pinasok ng Waray-waray Gang ang bahay ni Parsons at itinali sila. Tinangkang gahasain ang kanyang anak. Naalis ni Parsons ang tali sa mga kamay at hinabol ang mga magnanakaw. Napatay ni Parsons ang dalawa at nasugatan ang isa pa.
Ang masakit kinasuhan ng homicide at frustrated homicide si Parsons. Napatay umano ni Parsons ang mga magnanakaw sa labas ng bahay.
Nandoon na ako, ngunit ang tanong nasaan sa mga sandaling iyon ang mga pulis na dapat nagbigay ng proteksiyon sa pamilya ni Parsons? Nasa Saligang Batas natin na katungkulan ng estado na proteksyunan ang bawat Pilipino. Nasa Saligang Batas din natin na karapatan ng bawat mamamayan na depensahan niya ang sarili sa panganib.
Hinahamon ko ngayon ang mga mambabatas na tingnan ang batas tungkol dito at kung saan lalagay ang ating mga mamamayan. Para kay Parsons nasa iyo ang suporta na taumbayan dahil sa pagtatanggol mo sa iyong pamilya. Tunay kang ama!
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13/20 at 21 at telefax 525-6277.
Pinasok ng Waray-waray Gang ang bahay ni Parsons at itinali sila. Tinangkang gahasain ang kanyang anak. Naalis ni Parsons ang tali sa mga kamay at hinabol ang mga magnanakaw. Napatay ni Parsons ang dalawa at nasugatan ang isa pa.
Ang masakit kinasuhan ng homicide at frustrated homicide si Parsons. Napatay umano ni Parsons ang mga magnanakaw sa labas ng bahay.
Nandoon na ako, ngunit ang tanong nasaan sa mga sandaling iyon ang mga pulis na dapat nagbigay ng proteksiyon sa pamilya ni Parsons? Nasa Saligang Batas natin na katungkulan ng estado na proteksyunan ang bawat Pilipino. Nasa Saligang Batas din natin na karapatan ng bawat mamamayan na depensahan niya ang sarili sa panganib.
Hinahamon ko ngayon ang mga mambabatas na tingnan ang batas tungkol dito at kung saan lalagay ang ating mga mamamayan. Para kay Parsons nasa iyo ang suporta na taumbayan dahil sa pagtatanggol mo sa iyong pamilya. Tunay kang ama!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended