Puwedeng magkaroon ng bahay kahit nangungupahan

Dear Secretary Defensor,

Ako po ay nagtatrabaho sa barko. Kinakaltasan po kami ng aming pribadong ahensiya ng kontribusyon sa Pag-IBIG buwan-buwan. Sa kasalukuyan, nangungupahan kami ng aking pamilya sa Maynila.

Isa ako sa umaasam na magkaroon ng sariling bahay para sa aking pamilya. Kaya kami ay nagtitiyagang mangupahan muna upang makaipon ng perang pambili namin ng bahay at lupa.

Hanggang nabasa ko po sa inyong kolum ang tungkol sa Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG. Nabuhayan po ako ng loob at maaari rin po pala kaming magkaroon ng bahay habang kami ay nangungupahan dito.

Ang aking problema ay kung paano maisa-submit ang aking mga requirement sapagkat ako ay nagtatrabaho sa barko at pagkatapos pa ng isang taon matatapos ang aking kontrata. – Jun


Sa mga miyembro na ng Pag-IBIG Overseas Program (POP) at nakapagbayad na ng isang taong kontribusyon, maaari na kayong makapag-avail ng housing loan. Kung hindi pa kayo rehistrado sa ilalim ng POP, maaari na ninyong bayaran ng buo ang isang taong kontribusyon upang maka-avail ng housing loan.

Sa mga miyembro na nagtatrabaho sa barko o ibang bansa na, maaari kayong gumawa ng Special Power of Authority pabor sa inyong asawa upang makipanayam sa aming tanggapan ukol sa inyong kontribusyon o maglakad ng inyong mga papeles ukol sa inyong housing loan.

Asahan ninyo at magpapadala kami ng mga application forms at listahan ng requirements tungkol sa Rent-to-Own Program.

Sa mga nagnanais na sumulat, maaari po ninyong ipadala ang inyong mga liham sa Office of the Chairman, 6th Flr., Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

Show comments