^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng takot na magsasaka

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
ANG matandang magsasaka ay takot sa ospital at sa impiyerno. Ayaw niyang magpadoktor dahil natatakot siya. Tinitiis niya ang sakit huwag lang magpaospital.

Kapag napag-uusapan ang impiyerno ay takot na takot din siya. Hanggang nagka-appendicitis ang magsasaka at kailangang operahan.

Nang siya ay nakahiga, ang naalala ay takot sa ospital at impiyerno sakali siya ay mamatay.

Ang huling bagay lamang na naalala ng magsasaka ay nang turukan siya ng anestisya upang siya ay makatulog.

Naging maayos ang takbo ng operasyon. Unti-unti nang nagbabalik ang malay niya, napagtanto ng magsasaka ang pusikit na kadiliman sa loob ng kuwarto.

Ang mga bintana ay natatabingan ng makakapal na kumot upang matakpan ang lahat ng bagay at tanawin sa labas ng kuwarto.

Nang pumasok ang nurse at naglagay ng isang ilaw sa tabi ng higaan, tinanong ito ng magsasaka, "Bakit sobrang dilim sa loob? Siguro naaaninag ko lang ang ilaw sa labas ng makapal na tabing ng bintana."

Ngumiti ang nurse at sumagot, "Naalala ko ang malaking takot mo sa impiyerno. Mayroong sunog sa labas at ayaw kong gisingin ka at baka isipin mong nasa impiyerno ka."

AYAW

BAKIT

HANGGANG

KAPAG

MAYROONG

NAALALA

NANG

NGUMITI

SIGURO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with