Editoryal - Kakaibang 'reward' kay Sonny Parsons
July 25, 2002 | 12:00am
MAY mga nangyayari sa bansang ito na hindi ganap na maunawaan. May mga pangyayaring kahit na isipin nang maraming beses ay hindi malaman kung sino nga ba ang tama o mali. Isang pangyayaring hindi maunawaan ay ang nangyari sa dating singer at action star na si Sonny Parsons.
Noong nakaraang Huwebes, dakong 6:30 ng umaga nang pasukin ng Waray-Waray gang ang bahay ni Parsons sa SSS Village, Marikina City. Itinali ng mga magnanakaw ang maid, at mga anak ni Parsons saka naghalughog. Tinangka pang gahasain ang anak na dalaga ni Parsons. Malamig na nguso ng baril ang gumising kay Parsons. Iniumang ang baril sa kanyang ulo at kinalabit. Hindi iyon pumutok. Itinali rin si Parsons. Tumakas ang mga magnanakaw nang sabihin ni Parsons na may darating na mga pulis. Tumakas ang mga magnanakaw dala ang mga nakulimbat na pera, cell phones, at iba pang mahahalagang bagay. Naalis ni Parson ang mga tali sa kamay at mabilis na kinuha ang kanyang baril at hinabol ang mga magnanakaw. Nakipagbarilan si Parsons sa mga magnanakaw. Dalawa sa mga ito ang bumulagta samantalang ang isa ay nakaligtas at dinala sa ospital.
Akala rin ni Parsons ay magkakaroon siya ng kakampi sa pagkakapatay sa mga magnanakaw na marami na palang nabiktima sa Marikina. Hindi pala! Ngayon ay nakaharap sa kasong homicide at frustrated homicide si Parsons. Sabi ng mga imbestigador, kung napatay ni Parsons ang mga magnanakaw sa loob ng bahay, wala siyang pananagutan sa batas. Hinabol umano ni Parsons ang mga magnanakaw at binaril kaya homicide ang kaso. Napakaganda ng pabuya kay Parsons! Ang matindi, nireresbakan pa si Parsons ng mga miyembro ng Waray gang. Pinagtatangkaan ang kanyang buhay at ganoon din ang kanyang pamilya.
Kakaiba sa bansang ito, pagkaraan mong maipagtanggol ang sarili sa mga masasamang loob ay ikaw pa ang madidiin at lalabas na may kasalanan. Paano kung si Parson ang napatay at natuloy ang panggagahasa sa kanyang anak? Madali kaya silang makakakuha ng hustisya?
Kung ganito nang ganito ang mangyayari sa sistema ng batas, hindi malayong marami ang maging katulad ni Parsons. Mas makabubuti pa kung payagan na mag-armas na lamang ang mamamayan para protektahan ang sarili, pamilya at ari-arian. Wala rin namang magawa ang mga pulis sapagkat nalulusutan ng mga magnanakaw.
Kawawang Sonny Parsons na tumanggap ng kakaibang pabuya sa kanyang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest