Sadyang hindi mahilig mag-parti ang Pinoy. Ngunit mahilig ito sa inuman. Sinasamantala ng mga pulitiko ang ganitong gawi. Kanilang nilalansi ang mga botante sa pamamagitan ng paglunod sa alak hanggang sila ay mapatianod sa kalasingan.
Hindi kumpleto ang inuman kung walang pulutan, balitaktakan at laos na mga biro. Ngunit kung minsay ang mga biruan ay nauuwi sa gulo at karahasan. Dumadaing si misis ngunit iwas sisi ang nagmagandang loob na pulitiko.
Sa araw ng elektion, bawal ang alak. Ngunit kinukutya ng mga lasing na may hawak na lata ng softdrink, ang liquor ban ng gobyerno. Masaya nga namang uminom ng alak sa lata ng softdrink.
Isang araw, makalipas ang botohan, masakit ang ulo ng karamihan sa mga bumoto dala ng matinding hang-over. Abot ngiti naman ang mga bagong halal na opisyal. Sapagkat sa susunod na eleksiyon na sila magpapakita sa mga suking tindahan.