^

PSN Opinyon

Kapag sumipa ang benta ng alak

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
NANG sumapit ang halalang pang-barangay at Sangguniang Kabataan, sumisipa ang benta ng mga alak. Nagiging mapagbigay ang mga pulitiko samantalang sagana naman sa kita ang mga suking tindahan.

Sadyang hindi mahilig mag-parti ang Pinoy. Ngunit mahilig ito sa inuman. Sinasamantala ng mga pulitiko ang ganitong gawi. Kanilang nilalansi ang mga botante sa pamamagitan ng paglunod sa alak hanggang sila ay mapatianod sa kalasingan.

Hindi kumpleto ang inuman kung walang pulutan, balitaktakan at laos na mga biro. Ngunit kung minsa’y ang mga biruan ay nauuwi sa gulo at karahasan. Dumadaing si misis ngunit iwas sisi ang nagmagandang loob na pulitiko.

Sa araw ng elektion, bawal ang alak. Ngunit kinukutya ng mga lasing na may hawak na lata ng ‘‘softdrink,’’ ang ‘‘liquor ban’’ ng gobyerno. Masaya nga namang uminom ng alak sa lata ng ‘‘softdrink.’’

Isang araw, makalipas ang botohan, masakit ang ulo ng karamihan sa mga bumoto dala ng matinding hang-over. Abot ngiti naman ang mga bagong halal na opisyal. Sapagkat sa susunod na eleksiyon na sila magpapakita sa mga suking tindahan.

ABOT

DUMADAING

ISANG

KANILANG

MASAYA

NAGIGING

NGUNIT

PINOY

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with