^

PSN Opinyon

Editoryal - Katotohanan sana sa SONA

-
HINDI masisisi ang taumbayan kung mainis o mainip sa takbo ng mga nangyayari sa kasalukuyang pamahalaan. Mas marami ang naiinis lalo na kung walang nakikitang pagbabago sa kanilang pamumuhay. Patuloy ang paghihirap at habang kumakawag sa pagnanais na makaahon ay lalo namang lumulubog. Habang marami ang naghihirap, mayroon din namang nagpapasasa sa yaman. Walang makitang pagkakapantay-pantay sa bawat isa.

Sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal-Arroyo, napokus ang mga mata niya at atensiyon sa tatlong batang taga-Payatas. Ang unang bahagi ng SONA ni GMA ay binigkas niya sa Filipino. Kakaiba ang SONA niya may isang taon na ang nakararaan sapagkat naroon ang tatlong batang sina Jomar Pabalan, Jayson Banogan at Erwin Dolera. Ayon kay GMA sumulat sa kanya ang tatlo at ang mga kahilingan ay isinulat sa bangkang papel. Pinaanod nila ang mga iyon sa Ilog Pasig patungo sa Malacañang.

Ang sulat ni Jomar kay GMA, "Sana po ay mabigyan ng permanenteng trabaho ang tatay ko para hindi siya mahirapan."

Ang sulat ni Jason: "Sana po matulungan ninyo ako na makatapos sa pag-aaral hanggang kolehiyo, kasi po ang nagpapaaral sa akin ay ang lola ko lamang."

Ang sulat ni Erwin: "Ipasara ang Payatas dumpsite, at bigyan ng lupa ang aking pamilya."

Kakaiba ang introduction ng SONA ni GMA, naka-pokus sa kawalang trabaho, pagkain at edukasyon. Kahit na hindi gumamit ng tatlong mahihirap na bata, ang problema ay madaling makikita. Marami ang walang trabaho, marami ang sumasala sa pagkain at marami ang hindi nakapagkakamit ng edukasyon. Ang ganitong problema ay matagal nang nananalasa sa maraming Pinoy. Hindi lamang sa mga taga-Payatas kundi sa mga liblib na barangay.

Bukod sa mga problemang inihain ng tatlong bata, ang problema sa kriminalidad, talamak na droga at katiwalian sa gobyerno ay patuloy pa rin. Isang taon na ang lumipas at walang pagbabago sa mga nasabi sa SONA. Sinasabi ng maraming nabago, pero bakit hindi madama at marami ang nasa kumunoy ng kahirapan. Marami pa rin ang walang pagkain sa kanilang hapag at marami ang nagugutom. Sa pinaka-latest na Social Weather Stations (SWS) survey nasabi na tumaas ang antas ng mga nagugutom.

Bagong SONA ang inilahad ni GMA kahapon, hihintayin natin ang isa pang taon at saka natin suriin ang kanyang inilahad – kung nagkaroon ng katuparan.

ERWIN DOLERA

ILOG PASIG

JAYSON BANOGAN

JOMAR PABALAN

KAKAIBA

MARAMI

PAYATAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with