Psoriasis: Nakapangilabot na sakit sa balat
July 17, 2002 | 12:00am
SA simula, iisipin ang psoriasis ay pangkaraniwang sakit sa balat subalit ang hindi batid ng marami, mapaminsala ito. Pangmatagalan ito at hanggang sa ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas. Ang ilan sa sintomas ng psoriasis bukod sa pangangati ay namumula at namamaga ang bahagi ng katawan at parang maaagnas ang balat sa dami ng nahuhulog na kaliskis habang kinakamot.
Kapag ang balat ay apektado ng psoriasis mapapansin na may dugong maliliit na lumalabas sa anit at ibang bahagi ng katawan at itoy tinatawag na pinpoint hemorrage dahil matinding pagnipis ng balat. Ang kuko ng daliri ay mapupuna na may maliliit na (pitting nails). Ang psoriatic arthritis ay nagmumula sa mga buto ng mga daliri na nagiging clawhand at mahirap na itong gamitin.
Ayon sa batikang dermatologist na si Dr. Lucky Elayda, ang psoriasis ay heriditary o namamana subalit hindi naman nakahahawa. Sinabi ni Dr. Elayda na wala namang pagkaing bawal sa mga may psoriasis at walang specific treatment, pero maraming pamamaraan para maibsan ang hirap na dinaranas. Isa na rito ang pagpapa-araw sa umaga (mula 7-9) sa loob ng 15 hanggang 30 minuto.
Sa pakikipagpanayam ko kay Dr. Elayda, sinabi niya na mayroon siyang tinutuklas na gamot para sa lahat ng antas ng psoriasis. Sa mga may nais na makipag-ugnayan at matulungan ni Dr. Elayda matatawagan siya sa mga telepono 521-7248, 5249944 at 7310871.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended