OFW gustong humiram sa Pag-IBIG

Dear Secretary Defensor,

Nabasa ko sa inyong kolumn sa Pilipino Star NGAYON Saudi edition ang tungkol sa Pag-IBIG hou-sing loan at iba pang benepisyo na maaari naming makuha sa pagiging miyembro ng Pag-IBIG. Bago po ako napunta dito sa Saudi ay miyembro na po ako ng Pag-IBIG. Pagkatapos po akong umalis na aking trabaho sa Maynila ay hindi na ako naghulog ng aking kontribusyon buwan-buwan. Ako po ay may isang maliit na bahay at kapirasong lupa na kinatatayuan ng bahay ko ngayon.

Gusto ko po sanang malaman kung maaari po akong makahiram sa Pag-IBIG upang ipaayos ko po sana ang aking bahay. Natatakot po akong masira ito kung daanan ito ng malakas na bagyo.

Aasahan ko po ang inyong kasagutan sa aking liham at sana magkaroon po ako ng pag-asa na matuloy ang balak naming mag-asawa na maipaayos ang aming bahay.
– GEORGE ng Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia

Ang Pag-IBIG ay mayroong tinatawag na multi-purpose loan. Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng kaukulang tulong na pinansiyal ang mga miyembro.

Sa mga Overseas Filipino Workers ay mayroong Pag-IBIG Overseas Program. Ito ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga Filipino overseas workers/immigrants/permanent residents na makapag-impok para sa kanilang kinabukasan at upang maka-avail ng housing loan na nagkakahalaga ng hanggang dalawang milyong piso.

Maaaring makahiram ang OFW sa alinman sa mga sumusunod na pangangailangan: 1) Pagpapatayo o pagkumpleto ng bahay na pag-aari ng miyembro, 2) Pagbili ng lupa at pagpapatayo ng bahay, 3) Pagbili ng lupa, 4) Major repair, ekspansyon o renobasyon ng bahay at 5) Refinancing ng existing mortgage.

Maaaring makahiram ng mga sumusunod na halaga ng may kaukulang interes:

LOAN AMOUNT INTERES

Nabayaran Lampas

ng due date sa due date

Hanggang 180,000 9% 12%

Higit 180,000-500,000 12% 16%

Higit 500,000-2,000,000 14% 18%


Maaari rin kayong magsadya sa Pag-IBIG Overseas Program Dept., Rm. 608, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag sa 811-4146, 811-4272, 811-4273 o mag-email sa info@pagibigoverseas.com at ang website po namin ay www.pagibigoverseas.com.

Sa mga nais sumulat, maaari kayong sumulat sa aking tanggapan, Office of the Chairman, 6th Floor, Atrium Bldg., Makati, Avenue, Makati City. Pakilagay lamang kung gusto ninyong ipalathala ang liham sa Pilipino Star NGAYON. Maraming salamat sa pagsubaybay sa aking kolum.

Show comments