^

PSN Opinyon

ASG on the go sa illegal recruitment

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG akala ng mga illegal recruiters na may operasyon sa NAIA ay hindi sila babanggain ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) sa kanilang mga katarantaduhan sa pambibiktima ng mga inosenteng kababayan natin.

Sinampulan ng mga tauhan ni PNP-ASG Director Marcelo S. Ele Jr. itong grupo ni Dianan Noay y Ramos ng Sto. Tomas, Batangas, matapos magreklamo ang kanilang bibiktimahin para makapunta sa Italy.

P300,000 pala ang hinihingi ng grupo ni Noay sa mga Noypi na gustong mag-abroad. Pero hindi kumagat ang biktima kay Noay at inginuso ito sa mga bataan ni Ele para matapos na ang katarantaduhan nito.

Nakulong noong isang linggo si Noay sa sumbong ng biktima pero mabilis na nagpiyansa ito kaya lang may mga dumagsa sa opisina ni Ele at nagsumbong ulit nang makita sa telebisyon at mabasa ang operasyon ni Noay.

Sa kabutihang-palad, nahabol nila ang kamote at muling hinuli ng mga bataan ni Ele at muling nakulong ito.

Sa pagkakataong ito, swak si Noay at no bail recommended ang ginawad ng Korte dahil sa kasong large-scale estafa.

Ang balita ng mga kuwago ng ORA MISMO ay magtatanim ng kamote si Noay porke mabubulok umano ito sa kulungan.

P500,000 ang gustong ibigay ni Noay sa mga tauhan ni Ele pero hindi tinanggap ng grupo ang akala siguro ng una ay mukhang pera ang taga-PNP-ASG.

"Ang tindi pala ni Noay, may perang panglagay sa mga huhuli dito?" anang kuwagong kotong cop.

"Ang akala niya makukuha niya sa pera ang mga bataan ni Ele."

"Ngayon, yari si Noay, mabubulok ito sa kulungan," anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

"Tiyak ’yon."

"Marami pang kaso si Noay at hindi lang illegal recruitment siya madadale, mas malalim pa."

"Dapat mabulok ito kasi maraming pinahirapan."

"Korek ka d’yan."

BATANGAS

DAPAT

DIANAN NOAY

DIRECTOR MARCELO S

ELE JR.

NOAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-AVIATION SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with