Ang dahilan ng tendinitis ay dahil sa excessive o unaccustomed exercise. Ang tendon ay nagkakaroon ng stress dahil dito. Gayunman, maaari ring ito ay dahil sa infection o kumplikasyon ng rheumatic o disorder ng connective tissue.
Ang sintomas ng pagkakaroon ng tendinitis ay ang kirot na mararamdaman sa paligid ng mga joint. Magkakaroon din ng pamamaga.
Ang may tendinitis ay kinakailangang magpakunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng payo. Nararapat magpahinga ang may tendinitis. Paraan din ang paglalagay ng splint sa apektadong mga joint.
Ang pag-iinject ng steroid, paggamit ng pain killers o non-steroid anti-inflamatory drugs ay maaaring i-prescribed.
Ang paggamit ng heat or icepacks ay maaaring makatulong para mabawasan ang kirot at pamamaga. Kinakailangang iwasan ang grabeng pag-eehersisyo at iba pang physical activities at ganoon din ang stress.