^

PSN Opinyon

Barangay:Tunay na demokrasya

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
SA isang demokratikong lipunan, mahalaga ang tatlong sangay ng pamahalaan: Ang legislature, executive at judiciary. Ang tatlong sangay na ito ay nagtutulungan at nagbabantayan upang makapagsilbi sa mamamayan. Ngunit sa barangay, ang tatlong sangay na ito ay napapailalim sa Punong Barangay. Patunay lamang ito ng kahalagahan ng pinakapayak na lokal na pamahalaan ng bansa.

Ang legislature sa pamahalaang nasyonal ay pinamumunuan ng Speaker of the House at ng Senate President. Ang executive naman ay nasa ilalim ng pamumuno ng Presidente ng Pilipinas. Samantalang ang judiciary ay sa ilalim ng Chief Justice ng Supreme Court. Sa barangay, ang tatlong ito ay pinamumunuan ng Punong Barangay.

Ang barangay ay may trabahong executive na kumukuha ng utos at direksiyon mula sa Punong Barangay. Ang Sangguniang Barangay din ay pinamumunuan ng Punong Barangay bilang presiding officer. At mayroon ding Katarungang Pambarangay na Punong Barangay din ang namumuno. Tatlong sangay sa ilalim ng isang tao. Tunay na makapangyarihan ang puwestong ito.

Kaya sa darating na halalan, kailangang iboto natin yung mga tao na may katangiang kayang gampanan ang mahahalagang tungkuling ito. Ang tatlong sangay sa ilalim ng isang tao ay tunay na makapangyarihan. Mapabibilis ang serbisyo sa ilalim ng matinong tao, ngunit madali ring abusuhin ng isang hindi sinsero sa serbisyo.

Ang Barangay ang siyang pamahalaang pinakamalapit sa mamamayan. Ito ang unang tutugon sa ating pangangailangan. Ito rin ang tunay na magbibigay ng representasyon sa polisiya at mithiin ng komunidad sa isang demokratikong bansa na binubuo ng tao, mula sa tao at para sa tao. Bumoto ng wasto. Kilalanin ang kandidato.

ANG BARANGAY

ANG SANGGUNIANG BARANGAY

BARANGAY

CHIEF JUSTICE

KATARUNGANG PAMBARANGAY

PUNONG BARANGAY

SENATE PRESIDENT

SPEAKER OF THE HOUSE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with