Inaruga saka ginahasa
July 14, 2002 | 12:00am
NAPAKASAKIT sa isang biktima kung ang sariling kamag-anak na nag-aruga at pinagkatiwalaan ang sisira sa murang dangal.
Ganito ang nangyari sa isang dalagita nang gahasain ng kanyang pinsan noong Marso 1997 sa San Juan, Bgy. Bagbag, Roxas City.
Ang suspek ay nakilalang si Eddie Tumbokon, 37, isang mangingisda at pinsan ng biktima. Si Tumbokon ang nag-aruga sa biktima mula pa nang mamatay ang ina nito.
Ayon sa resolusyong iniharap ng City Procecutors Office ng Roxas City, unang ginahasa ng suspek ang biktima noong gabi ng Marso 19, 1997. Nasundan ang panggagahasa kinabukasan, dakong alas-9 ng gabi.
Ang huling panggagahasa ay naganap noong Marso 23, dakong alas-10:30 ng gabi nang gisingin ng suspek ang biktima at suntukin sa tiyan at saka ginahasa.
Ang masakit pa rito, nabuntis at nagsilang ng lalaking sanggol ang biktima noong Disyembre 30, 1997. Ang pagkakaroon ng anak ay isang napakatibay na ebidensiya laban sa suspek.
Mula nang isampa ang kaso laban kay Tumbokon hindi pa rin ito nadarakip. Bunga nito, nagpalabas na ng order of arrest kay Tumbokon ang RTC Branch 19 ng Roxas City.
Maraming ganitong kaso na nangyayari sa kasalukuyan. Karumal-dumal at sumisigaw ng katarungan ang mga biktima. Nakalulungkot namang isipin na marami sa mga biktima ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest