Sikapin sana ng Comelec na maging malinis ang barangay election
July 13, 2002 | 12:00am
LAGANAP na ang karahasan sa ating bansa at marami na ang nasaktan at nagbuwis ng buhay. At maging ang mga walang ginawang mabuti sa kanilang barangay ay muli na namang nanliligaw sa kanilang kabarangay upang sila ay maluklok sa puwesto.
At dito na rin marahil masusubukan ang kakayahan ni Benjamin Abalos ang bagong chairman ng Comelec. Kilala bilang isang magaling na mayor ng Mandaluyong at naging chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
At dahil sa responsibilidad na iniatang ni President Gloria Macapagal-Arroyo na linisin ang dating sirang-sira nang tanggapan, dapat lamang na maging maagap si Abalos na kanyang mga commissioner at mga tauhan upang magampanan ang kanilang mga gawain. Sikaping maiwasan ang lantarang dayaan pagsapit ng bilangan ng mga balota.
Nitong mga nagdaang araw ay marami akong natanggap na reklamo mula sa ilang barangay sa Tondo, Manila. Kabilang sa kanilang mga hinaing ang pagtanggal sa kanila sa voters list sa dahilang sila ay hindi kapanalig ng dating Barangay chairman.
Kabilang din sa kanilang reklamo ay ang mga chairman na protektor ng tupada at video karera sa kanilang lugar. Madali lamang daw mahuli ang mga ilegal na sugalan kung ang chairman ay magiging tapat lamang sa kanyang tungkulin.
Ang ibang mga kandidato naman ay may mga tauhang hoodlum. Kaya ang mga baguhang pulitiko ay hindi makaporma sa kanilang barangay. Kayat mga suki wag kayong matakot na isumbong sa akin at tutulungan ko kayong iparating ito sa ating mga opisyales.
Nais ko nga palang pasalamatan si Mayor Jojo Zapanta ng Taytay, Rizal sa pagtulong sa akin at si director Danny Ochoa tumatakbong kagawad ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo. Na-istranded ako sa naturang bayan dahil sa malakas ang ulan. Ito palang si Mayor Zapanta ay walang personal driver at mga bodyguard. Kahanga-hanga ka mayor.
Itong si Danny Ochoa ay kaibigang matalik ng aking tiyuhin na si Ruther Batuigas. Ayon kay Pareng Danny kung magaling siyang gumawa ng pelikula ay kaya rin niyang pagandahin at ayusin ang kanyang barangay. Bahala na po kayo sa kanya.
At maging itong aking kasama sa Western Police District Command-Press Corps na si Rene Crisostomo ay nakipagsapalaran din bilang kagawad ng Barangay 221 Zone 21 District 2 ng Maynila. Si Rene ay batikang police reporter at kabilang siya sa isang mamamahayag na may malinis na record.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended