^

PSN Opinyon

Isang kandidato sa pagka-justice sa SC tinututulan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang maraming justices sa Supreme Court ang tumututol sa napipintong paghirang sa isang kilalang abogado?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Ms. Millet Belmonte mula sa kanyang roommate na si Miguel Belmonte ng Pilipino Star NGAYON at Philippine Star.

Happy birthday din kay Bokal Mirriam Mendoza, Vic Tanjuakio, Red Tanjuakio at Bes San Pedro.
* * *
Alam n’yo bang umuugong pa lang ang balita tungkol sa posibleng appointment ng isang kilalang abogado sa Supreme Court ay marami na kaagad ang tumututol dito.

Ayon sa aking bubuwit, dahil nagretiro na si Justice Arturo Buena at magreretiro naman si Justice Melo, dalawang kilalang abogado ang matunog na kandidato sa naturang mga posisyon. Ang pangalan ng dalawang kandidatong ito ay nasa Judicial and Bar Council (JBC) na.

Ang isa sa dalawang kandidatong ito ay masama ang dating sa mga Mahistrado. Hindi pala maganda ang experience ng mga justices sa kanya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, magulo diumano ang nasabing abogado. Hindi maganda ang kanyang leadership, management style at hindi marunong makibagay.

Kaya umano hindi nakapagtataka kung bakit naging magulo ang hinawakan nitong posisyon sa pamahalaan. Hindi niya makasundo ang sarili niyang mga tauhan.

Kaya pala nang alisin ito bilang Court administrator at ilipat sa isang Commission, ang sabi ng mga mahistrado ay ‘‘good riddance.’’

Kaya lang, ang ikinalulungkot ng mga mahistrado ay kung mamalasin sila ay makakasama pa nila ito sa Supreme Court.

Patay kayong mga matatanda kayo.
* * *
Ayon pa sa aking bubuwit, sinasabi rin ng mga justice na kung maaari sana ay huwag nang isama sa kanilang hanay ang isang reject sa Commission on Appointments.

Ang kontrobersiyal na abogado na ayaw ng mga mahistrado na makasama sa Supreme Court ay walang iba kundi si…

Siya ay mortal na kaaway ng isang babaing Commissioner. Siya ay si Atty. B as in Bad Boy.

AYON

BAD BOY

BES SAN PEDRO

BOKAL MIRRIAM MENDOZA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE ARTURO BUENA

KAYA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with