At alam nyo rin bang nabuntis ni Father ang nasabing dalagita?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu, Press Usec. Ching Suva, Lilia Tolentino, Cely Ortega Bueno, Thelma Ragay, Engr. Thadeus Conti, Nathaniel Benitez at Rosa Claros ng Davao City.
Ang tindi naman ng paring ito, menor de edad pa ang dinale ng walanghiya.
Ang pari at ang magandang dalagita ay unang nagkita sa isang Youth Congress. Inorganisa ng nasabing pari ang Youth Congress sa kanilang probinsiya.
Ayon sa aking bubuwit, noong una ay pinapalapit ni Father ang kanyang kalooban sa dalagita sa pamamagitan ng aral ng Diyos.
Dahil magaling mambola este mangaral ang nasabing pari, napalapit ang dalagita sa kanya. Sinamantala naman ng pari hanggang sa bumagsak ang Bataan.
Upang makaiwas sa kahihiyan ang pamilya ng dalagita, siya ay itinago sa Cebu City at sinabing doon nag-aaral. Pero ang katotohanan, doon itinago ang pagbubuntis ng dalagita hanggang sa magsilang ito ng malusog na baby boy.
Hayop ka Father, kamukha mo pa yung baby!
Father, baka naman puwede mong bawasan ang koleksiyon sa simbahan at bigyan mo ng panggatas ang iyong anak.
Ayon pa sa aking bubuwit, ang isa pang nakakalungkot, matapos mabuntis ni Father ang dalagita, nakikipag-date na naman ito sa iba pang mga magaganda at batambatang chiching sa kanilang probinsiya.
Hayop ka Father!
Ayon sa aking bubuwit, ang dalagita na nabuntis ni Father at hindi pa binibigyan ng sustento ang naasembol nitong baby ay si
Itago na lang natin siya sa pangalang Antonette.
At ang paring matulis na nakabuntis kay Antonette ay si
Siya ay parating naka-blue jeans at malakas manigarilyo ng Marlboro. Siya ay Chairman pa ng NAMFREL sa kanilang probinsiya.
Siya ay walang iba kundi si Mnsgr. P. as in Pakasta ng Surigao del Norte.