^

PSN Opinyon

Abusadong pulis?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
INIREKLAMO ng isang kuwago ng ORA MISMO sa CPD ang umano’y abusadong pulis sa katauhan ni SPO2 Raneiro G. Cruz, ng 26 Banuyo St., Project 3, Quezon City, nakatalaga ito sa CIDG-DISSO, dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril kaya takot na takot umano ang mga residente sa kanilang lugar. PNP bossing Gen. Jun Ebdane, Sir.

Siga raw si Cruz, sa kanilang lugar hindi lang isa o dalawang beses ito kung magpaputok ng baril lalo’t high blood?

Dinampot ito ng CPD mobile unit at dinala sa Camp Caringal sa sumbong ng isang kuwago ng ORA MISMO sa umano’y multiple gun firing na pinaggagawa nito. Hindi lang nagkaroon ng lakas ng loob ang kuwago para magreklamo kasi natatakot na resbakan siya ni Mr. Policeman, General Lucas Managuelod, Sir.

Siguro mas maganda kung magsasagawa ng secret investigation ang tanggapan ni Ebdane o Managuelod sa mga kapitbahay ni Cruz para alamin ang katotohanan.

Maganda rin siguro kung ipada-drug test si Cruz para malaman sa dumadaloy niyang dugo sa katawan kung positibo o negatibo ito sa pinagbabawal na gamot kasi masyado raw itong high blood?

Ayon sa isang kuwago ng ORA MISMO kailangang tiktikan ang isang apartment na malapit sa bahay ni Cruz porke may milagro umanong nagaganap dito. Marami raw multong gumagala?

Hindi kaya bahay sugalan o bentahan ng droga ito? Just asking?

‘‘Ano kaya ang ginagawa ng Barangay boys sa Banuyo St., hindi ba nila alam ang nangyayari rito?’’ tanong ng kuwagong retired General.

"Iyan ang hindi natin alam,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Baka abala."

‘‘Saan?’’

‘‘Sa pangangampanya?"

‘‘Iyon lang!’’

vuukle comment

ANO

AYON

BANUYO ST.

CAMP CARINGAL

CRUZ

GENERAL LUCAS MANAGUELOD

JUN EBDANE

MR. POLICEMAN

QUEZON CITY

RANEIRO G

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with