^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng doktor ni Satanas

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ILANG linggo nang nakaratay sa higaan si Satanas. Walang doktor na makapagpagaling sa kanya.

‘‘Hindi ko ito maintindihan,’’ wika ng isa sa mga demonyong doktor ni Satanas. ‘‘Napakarami nating manggagamot dito subalit walang makapagpagaling kay Satanas.’’

Sa sobrang sakit nasabi ni Satanas, ‘‘Kaya narito kayong mga doktor sa impiyerno ay wala kayong ginawa sa mundo kundi magpahirap ng tao. Sinisingil ninyo ng sobra-sobra ang inyong mga pasyente."

‘‘Ano ang gagawin namin?’’ sabay-sabay na tanong ng mga demonyong doktor.

‘‘Bakit hindi kayo pumunta sa lupa at kumuha ng magaling na doktor upang gumaling na ang sakit ko.’’

‘‘Paano namin magagawang pumili ng karapat-dapat na doktor?’’ tanong ng isang demonyong doktor.

‘‘Madali lang. May mga kaluluwa na makikita kayo na umaaligid sa bawat pintuan ng mga doktor. Bilangin n’yo ang mga kaluluwa dahil ang mga iyon ay mga pasyenteng namatay dahil sa kapabayaan ng doktor. Piliin ang may pinakaunting bilang ng kaluluwa.’’

Ang demonyong doktor ay masigasig. ‘‘Naiintindihan kita Satanas. Kailangan bang kunin agad ang doktor at dalhin dito?’’

‘‘Huwag kang magmadali, kausapin mo muna ang napili mo bago mo buuin ang isang kasunduan.’’

Agad na nagpunta sa mundo ang demonyong doktor. Binisita niya ang bawat doktor. Nabatid niyang maraming kaluluwa ang matatagpuan sa pintuan ng mga doktor. Mula sa 100 hanggang 1000.

Sa wakas isang doktor na may dalawang kaluluwa lamang ang nakita niya sa pintuan. Agad niyang kinausap ang doktor. ‘‘Handa ka bang gamutin si Satanas sa impiyerno?’’

‘‘Walang problema. Dapat kung sundin ang sinumpaan kong tungkulin na gagamutin at paglilingkuran sinuman at kahit saan.’’

‘‘Magaling! Kailan ka ba nagtapos ng medisina?’’

"Kahapon lang."

ANO

BAKIT

BILANGIN

BINISITA

DAPAT

DOKTOR

HANDA

HUWAG

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with