^

PSN Opinyon

DOJ Sec.Perez, help us!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GUSTONG humingi ng tulong ang King Family sa pamamagitan ni Atty. Rory Jon Sepulveda sa tanggapan ni Justice Sec. Hernando Perez para ilipat ng venue ang kaso nila sa Maynila o sa ibang Prosecution Offices mula sa Cebu City.

Hindi kasi makuntento ang pamilya ni James L. King sa nangyayari sa kasong isinampa nila sa Prosecutor’s Office sa Cebu.

Dahil inakusahan ni King ng umano’y kidnapping, echetera sina Roderick Go, Grace Go, asawa nito, isang Cebu City rookie cop na si PO2 Roberto Petilos at driver ng mga Go na si Henry Beritua.

Ganito ang kuwento, malaki raw ang tiwala ni King kay Roderick porke marami na silang naging transaksyon nito lalo’t sa pagpapa-encash ng huli ng mga tseke sa kanya kaya naging mag-close sila.

Million of pesos ang kanilang naging transaksyon sa pag-encash ng mga tseke ni Roderick kay James.

Ganito ang naging kuwento ni King sa kanyang affidavit, noong June 24, 2002, tinawagan daw siya ni Roderick para ayusin ang mga naging usapan nila kaugnay sa pag-encash ng mga tseke ng huli pero nagkaroon umano ng hindi magandang pangyayari nang magkita sila ng personal sa rooftop ng isang banko.

Hiniwa umano ni Roderick ang kanyang leeg hanggang sa magbabag silang dalawa at nang manghina raw siya dahil sa dugong dumadaloy sa kanyang leeg ay nakita na lamang niya ang mga nabanggit na kasama ng una na umano’y nakasakay na rin sa kotseng kinalululanan niya.

Sa affidavit ni James, dinala siya sa ospital nina Roderick. Inoperahan ito.

Dahil sa pangyayari, nahuli ng mga awtoridad ang driver ni Go samantala ang iba pang mga kasamahan nito at si Roderick ay at-large.

"Matindi pala ang nangyari sa kuwento ni James," anang kuwagong kotong cop.

"Pero hayaan nating ang hukuman ang humatol sa kasong ito."

"Abangan."

CEBU CITY

DAHIL

GANITO

GRACE GO

HENRY BERITUA

HERNANDO PEREZ

JAMES L

JUSTICE SEC

RODERICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with