^

PSN Opinyon

AAIP vs TNT

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN — Absconder Apprehension Initiative Program (AAIP). Iyan ang tawag sa pinatinding kampanya ng US Immigration laban sa mga illegal aliens na tago-nang-tago sa Amerika.

Matindi ito dahil pati Federal Bureau of Investigation ay katuwang ng Immigration and Naturalization Service (INS) sa pagtugis sa mga dayuhang ito.

Kapag ikaw ay isang dayuhan at binigyan ng deportation order pero sinuway mo at nagtago ka, ikaw ay isang absconder.

Kaya nga daming Pinoy TNT ang kakaba-kaba ngayon at baka sila madampot. Tulad nang nasabi ko na, marami nang Pilipino at ibang nasyonalidad ang pinagdadampot na at ang iba’y nasa wanted list.

Simula nang maganap ang September 11 attack sa New York noong isang taon, ipinatupad ang ganitong paghihigpit.

Seryoso ang pamahalaang Amerika sa kampanyang ito.

Ang nakalulungkot, marami na naman tayong kababayan na nasa ganitong situwasyon ang magiging vulnerable sa mga manloloko. Sa mga taong magpapanggap na kaya silang tulungan kapalit ng halaga.

Pero bakit nga ba nahuhumaling sa pangingibang bansa ang marami nating kababayan?

The reason is obviously economics.

Walang trabaho sa sarili nating bansa. Kung mayroon man, kapos ang kita dahil sa sobrang taas ng bilihin.

Ito ang dapat tuunan ng pansin ng pamahalaan. Lutasin mo ang problemang pangkabuhayan at malulutas ang iba pang malulubhang problema tulad ng pagtaas ng krimen at iba pa.

ABSCONDER APPREHENSION INITIATIVE PROGRAM

AMERIKA

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

IMMIGRATION AND NATURALIZATION SERVICE

IYAN

KAPAG

KAYA

LUTASIN

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with