Ang mga kanal ay gawa sa bato at buhangin. Sa pamamagitan ng likas na daloy ng tubig ay tuluy-tuloy ang patubig sa buong nayon. Gabi at araw ay may tubig.
Naging tanyag ang nayon dahil sa epektibo nilang patubig. Maraming bisita ang dumarating sa nayon upang pag-aralan ang patubig para magaya. Nagulat ang mga taga-siyudad at ang mga turista dahil sa pag-unlad ng nayon. Maraming nabibili mula sa nayon. Pati mga gulay at prutas ay sagana.
Isang araw ay nagpulong ang mga magsasaka kasama ang mga anak niya bagong tapos ng engineering sa mga Pamantasan.
May makasaysayang halaga ang ating patubig. Dapat huwag nating gamitin para huwag masira.
Ano ang ibig mong sabihin? tanong ng barangay captain.
"Ngayon ho ay may mga murang tubong plastik. Iyan ay gamitin natin para daluyan ng tubig patungo sa mga bahay-bahay. Magkakaroon din ng tubig pero ang mga kanal ay hindi gagamitin para huwag masira at magasgas. Mananatili ang patubig para sa kinabukasan, paliwanag ng batang tapos ng engineering.
Pumayag ang buong barrio. Nilagyan ng plastik na tubo at doon dumaloy ang tubig hindi sa kanal.
Ang resulta ay naging kakaiba. Natuyo ang mga kanal at nagiba.
Isang matanda ang nagsalita. Dahil hindi na ginagamit ang mga kanal kaya nasira. Gaya ng ating katawan, pag hindi ginagamit ay nasisira. Pati utak ay nagiging ulyanin. Ganoon din ang bakal, pag hindi ginamit ay kakalawangin.