^

PSN Opinyon

Maraming krimeng hindi nalulutas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
JUSTICE delayed is justice denied. Gabundok na ang mga kasong hindi pa nalulutas ng pulisya at hukuman. Bumibilang na ng maraming taon ay mabagal pa rin ang pag-usad ng imbestigasyon na dahilan kung bakit ang ilan sa mga testigo at maging mga biktima ay mawalan na ng pag-asa para ituloy ang laban. Bagama’t maraming batas na ang napagtibay hinggil sa paglutas ng kaso, kulang ang mga paraan at teknolohiya ng mga ahensiya ng gobyerno.

Kamakailan ay personal na nagsadya sa NBI si Kaye Torres ang anak ng yumaong artistang si Nida Blanca para alamin ang update sa kaso ng pagpaslang sa ina. Hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung kailan malulutas ang Nida Blanca murder case. Pinatay si Nida ng Nobyembre noong nakaraang taon. Marami ang nagimbal sa trahedya ni Nida Blanca na maaaring madagdag na lamang sa listahan ng unsolved crimes.

Isa pang kalunus-lunos na kaso ay ang pagpatay sa PR man na si Bobby Dacer at kanyang driver. Natagpuan ang kanilang mga sinunog na bangkay sa Cavite. Ang mga salarin ay nakalalaya pa sa kasalukuyan.

Ang kaso ng mga estudyanteng napatay sa hazing ng mga fraternities gayundin ang kaso ng mga magsasaka na minasaker ng mga pinaghihinalaang rebelde sa Quezon ay wala pa ring resulta. Kahit nga ang pagpatay kay dating Sen. Benigno Aquino Jr. ay hindi pa rin nareresolba. May mga nagtatanong hanggang ngayon kung si Galman ang pumatay kay Ninoy.

Panahon na para gumalaw ang hustisya at nang matahimik na ang maraming kaluluwa na patuloy na sumisigaw ng katarungan.

BAGAMA

BENIGNO AQUINO JR.

BOBBY DACER

BUMIBILANG

CAVITE

GABUNDOK

GALMAN

KAYE TORRES

NIDA BLANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with