^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng ambisyon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay puno ng pag-asa para sa hinaharap. Nang siya ay ikinasal, lalo nang sumidhi ang kanyang pangarap.

Paborito niyang tukuyin ang pagbabago ng bansa. ‘‘Hindi tayo basta sasang-ayon. Tayong lahat ay magbabago," madalas niyang sabihin sa marami. Lagi niyang sinasabi sa asawa ‘‘Ang ambisyon ko ay malaki. Sa ating buhay ay papalitan ko ang buong mundo. Isang daigdig na masagana at mapayapa. Lahat ng may tahanan, damit at pagkain sa mesa. Isang mundo na hitik sa pag-ibig at kapayapaan.’’

Madalas din niyang sabihin sa mga kaibigan at kakilala.

‘‘Dapat tayo ay humabol sa ibang bansa na ang lahat ay magtrabaho, ang mga anak ay nag-aaral at may tahanan.’’

Nang mag-50 anyos na ang magsasaka at nag-iba na rin ang kanyang himig. Ang sinasabi ay patungkol sa barrio.

‘‘Kailangan nating mapagbuti at gawing makabago ang ating pagsaka, magtatag tayo ng kooperatiba. Pagbutihin ang ating patubig, ang ating mga kalsada at mga gusali ng ating paaralan. Dito natin makakamtan ang ating pangarap para sa hinaharap ng ating mga anak at mahal sa buhay.’’

Nang mag-80 anyos at malapit nang mamatay ang magsasaka isang kaibigan ang nagtanong.

‘‘Nakamtan mo na ba ang iyong ambisyon sa buhay?’’

‘‘Mali pala ang aking pangarap. Dapat pala hindi ang mundo at bayan ang pinalitan ko."

‘‘Eh ano?"

‘‘Dapat pinalitan ko ang aking sarili.’’

ATING

DAPAT

DITO

ISANG

KAILANGAN

LAGI

LAHAT

MADALAS

NAKAMTAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with