^

PSN Opinyon

May pruweba sa conflict of interest

SAPOL - Jarius Bondoc -
GALIT si Palawan Rep. Vicente Sandoval sa nagpaparatang sa kanya ng conflict of interest. Sa pamumuno niya sa House panel sa Committee on Appointments, malinis daw ang hangarin niya laban sa paghirang kay Heherson Alvarez bilang Secretary of Environment and Natural Resources. Hindi raw akma ang matagal nang environmentalist at dating senador sa puwesto, kaya niya nilalabanan miski kapartido.

Walang conflict, ha? Makikita natin.

Inisyu ni Alvarez nu’ng Hunyo 2001 ang DENR Administrative Order No. 17. Inutos niya sa mayors na ipaguhit sa National Mapping Office ang kani-kanilang municipal waters. Saad kasi sa Fisheries Act na hanggang 15 kilometro mula pampang ang municipal waters. Maliliit lang na mangingisda, na maliliit din ang lambat at taga, ang puwedeng mangisda rito; bawal ang commercial fishers na milya-milya ang haba ng lambat at may sophisticated equipment pa.

Tinukoy din ni Alvarez sa DAO 17 na gamitin ang archipelagic rule sa pagguhit ng municipal waters. Ang 15 kilometro ay nagsisimula sa pinakamalayong isla ng isang bayan, hindi lang mula sa main island.

Nang lumabas ang DAO 17, umangal si Sandoval. Liliit daw ang kita ng commercial fishers at lalong mapapalaot. Di natinag si Alvarez.

Kilalang isa sa big commercial fishers nu’ng dekada ’80 ang angkan ni Sandoval sa Palawan at Navotas, kung saan congressman din ang anak. Ayon sa mag-amang Sandoval, matagal na nilang ibinenta ang fishing company at lumayo na ng negosyo.

Iba ang ayon sa records ng Securities and Exchange Commission. Sa files, owner-treasurer ng Mega Fishing Corp. si Marylou Sandoval Pe Tiu Lim – pamangkin ng matandang Sandoval ng Palawan at pinsan ng Sandoval ng Navotas. Gumagawa ang Mega ng de-latang sardinas. Ang congressman naman ay may-ari ng Sandoval Shipyards Inc., gumagawa at nagre-repair ng mga barko ng commercial fishers. Kaya hiling ng mayors na mag-inhibit si Sandoval sa confirmation hearings ni Alvarez.

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ALVAREZ

FISHERIES ACT

HEHERSON ALVAREZ

MARYLOU SANDOVAL PE TIU LIM

MEGA FISHING CORP

NATIONAL MAPPING OFFICE

NAVOTAS

PALAWAN

SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with