Pag-aalsa balutan ng mga Pinoy
June 27, 2002 | 12:00am
NAKAKADISMAYA ang balita na 19 percent ng mga Pilipino ang gustong umalis na ng Pilipinas sapagkat nawawalan na ng pag-asa rito. Ang ibig sabihin, isa sa limang kababayan natin ay sawang-sawa na sa takbo ng pamumuhay sa Pilipinas. Nais pa nilang makipagsapalaran sa ibang bansa kaysa tumigil dito. Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia Inc.
Hindi mahirap paniwalaan ang survey sapagkat kitang-kita naman natin na walang katapusan ang pagpila ng mga kababayan natin, uminit man o umaraw sa US Embassy at iba pa.
Nakalulungkot ang balitang ito sapagkat nagpapahiwatig lamang ito na hindi pa rin nakakaahon ang ating bansa sa pagkakalugmok. Nabanggit sa survey report na hindi pa rin nagbabago ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino kahit na dumaan na ang dalawang EDSA Peoples revolution at ang bansa ay sumailalim sa administrasyon ng apat na presidente pagkatapos ng diktador na si Ferdinand E. Marcos.
Malaking hamon ito sa kakayahan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Naniniwala ako na matagal nang alam ni GMA ang kalagayan ng mga mamamayan. Subalit ang lumabas na report ng Pulse Asia ay hindi na lamang isang indikasyon kundi isa nang dapat tanggapin bilang katotohanan sa reyalistikong kinatatayuan ng bansa.
Gising na, bayan! Yan na marahil ang isinisigaw ng bawat Pilipino. Naniniwala ako na kahit na gipit na sa oras, maaaring may kaunti pang panahon ang mga pinuno upang isagawa ang nararapat na hakbang upang isaayos kung anuman ang makapag-aahon sa kinalalagyan ng bansa na matagal nang nakabaon sa kumunoy ng kahirapan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest