Sa kabilang dako, ang kanyang nakakabatang kapatid ay kakaiba. Kapag may kukumpunihing kalsada ay una itong dumarating. Kahit linggo ay hindi pumapalya kapag tinawagan ng Barangay Council o PTA.
Sa kasawiang palad ay naaksidente ang kanyang nakababatang kapatid at namatay. Sa burol ng kapatid ay buong nayon ang dumalo. Binigyan siya ng parangal ng mayor ng bayan.
Pagkaraan ng libing ay biglang nagbago ang magsasaka. Sa pagkukumpuni ng mga kalsada ay una itong dumating. Sa meeting ng PTA ay ganoon din.
Takang-taka ang buong nayon. Isa ang nagtanong sa magsasaka.
Ano ba ang dahilan at bigla kang nagbago.
Ang namatay kong kapatid. Nang mamatay siya, naisip ko kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya. Gagayahin ko siya para marami rin ang magmahal sa akin.