Ang talinghaga ng patay na kapatid
June 25, 2002 | 12:00am
ANG magsasaka ay walang inaatupag kundi ang sariling pamilya at bukirin. Ayaw niyang sumali sa mga proyektong pang-nayon gaya ng pagkukumpuni sa kalsada. Sa kanya, ang mga ito ay sagabal sa kanyang buhay. Ang katwiran niya, trabaho ng pamahalaan ang pag-ayos ng kalsada at iba pa. Kaya nga ako nagbabayad ng buwis para may magastos ang gobyerno. Pati ang PTA meeting ay iniiwasan ng magsasaka. Naiinis siya at karaniwang sinasabi, Asikasuhin na lang nila ang pagtuturo sa mga bata.
Sa kabilang dako, ang kanyang nakakabatang kapatid ay kakaiba. Kapag may kukumpunihing kalsada ay una itong dumarating. Kahit linggo ay hindi pumapalya kapag tinawagan ng Barangay Council o PTA.
Sa kasawiang palad ay naaksidente ang kanyang nakababatang kapatid at namatay. Sa burol ng kapatid ay buong nayon ang dumalo. Binigyan siya ng parangal ng mayor ng bayan.
Pagkaraan ng libing ay biglang nagbago ang magsasaka. Sa pagkukumpuni ng mga kalsada ay una itong dumating. Sa meeting ng PTA ay ganoon din.
Takang-taka ang buong nayon. Isa ang nagtanong sa magsasaka.
Ano ba ang dahilan at bigla kang nagbago.
Ang namatay kong kapatid. Nang mamatay siya, naisip ko kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya. Gagayahin ko siya para marami rin ang magmahal sa akin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am