Navotas magiging city na?
June 23, 2002 | 12:00am
MATAGAL nang dapat maging city ang Navotas. Tanging Navotas sa CAMANAVA area ang hindi pa napapagkalooban ng status na cityhood. Ang CAMANAVA ay binubuo ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela. Ang Caloocan ay naging city noong 1965. Ilang taon na ang nakalipas ang Valenzuela ay naging city na rin. Sa isang plebisito na ginanap noong nakaraang taon ang Malabon ay naging isang city. Masigasig si Navotas Mayor Toby Tiangco gayundin si Congressman Ricky Sandoval na ma-convert ang kanilang bayan bilang city.
Isang requirement para sa cityhood ay dapat na sa loob ng isang taon ay may income ang isang munisipalidad na 100 milyong piso. Sa pinakahuling report ay kulang na lang ng tatlong milyong piso ang nakokolekta ng Navotas.
Umaasa si Tiangco na mapadali ang pag-aapruba ng cityhood bill na iniharap nila sa Kongreso. Sinabi ni Tiangco na malaking porsiyento ng mga taga-Navotas ang pabor na maging city ang Navotas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am