^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng mundo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
ANG magsasaka at kanyang asawa ay lampas na ng limampung taong gulang. Sa nayon ay itinuturing silang matagumpay na pamilya.

Sila ang may-ari ng kiskisan at ng unang sasakyan sa nayon. Hindi sila nakatapos ng high school ngunit pinaaral ang dalawang anak na lalaki hanggang makatapos sa kolehiyo.

Pagkakuha ng diploma ay kinausap ng ama ang dalawang anak.

"Ako at ang nanay ninyo ay nagagalak dahil nakatapos na kayo sa pag-aaral. Kami ay tumatanda na. Pero may isa pa kaming pangarap na gusto naming makita n’yo ang sarili ninyong mundo.

‘‘Mayroon tayong naipon na pera. Gamitin ninyo para maglakbay sa mga bansa at hanapin ang inyong mundo. Binibigyan namin kayo ng isang taon.’’

Naglibot ang dalawang anak sa buong mundo. Maraming bansa ang narating.

Pagkaraan ng anim na buwan ay sumulat ang panganay sa mga magulang.

‘‘Tatay at Nanay, marami na po akong bansang narating. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang aking mundo."

Sa ika-pitong buwan ay biglang umuwi ang bunso. Nagulat ang mga magulang. Nagmano at nagsalita.

‘‘Umuwi po ako dahil nakita ko na ang aking mundo.’’

‘‘Sabihin mo sa amin, anak.’’

‘‘Naglakbay ako sa buong Pilipinas. Isinunod ko ang buong mundo. Hindi ko nakita ang aking mundo. Pero aking nadiskubre na ang aking mundo ay narito. Kayong dalawa ang aking tunay na mundo.’’

AKING

BINIBIGYAN

GAMITIN

ISINUNOD

KAYONG

MARAMING

MAYROON

MUNDO

NAGLAKBAY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with