Ayon kay Legarda, ang World Health Organization (WHO) ay nangunguna sa pag-eendorso ng mga halamang-gamot bunga ng mataas na presyo ng medisina na hindi kayang bilhin, lalo na ng mahihirap. Idinugtong ni Legarda na magan-dang alternative medicine ang mga halamang-gamot na napatunayang mabisa simulat sapul nang gamitin ang mga ito ng ating mga ninuno.
Ayon pa kay Legarda, napakaraming halamang-gamot dito sa Pilipinas.
Ang malunggay na napakasustansiyang gulay ay maraming karamdamang pinagagaling bukod pa sa itoy nagpapadagdag ng gatas ng mga inang nagpapasuso.
Isa pang mabisang gamot ay ang lagundi. Ang lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Ang mga may diperensiya sa baga ay nagsabi na malaking tulong sa kanila ang halamang-gamot na ito.
Ang malunggay at lagundi ay kabilang sa mga herbal medicine na ginagawang tabletas na ibenebenta sa mga drugstores.