^

PSN Opinyon

Kahalagahan ng mga halamang gamot

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMING mambabatas ang sumang-ayon sa pag-eendorso ni Sen. Loren Legarda na tangkilikin ang mga herbal medicine sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gamot.

Ayon kay Legarda, ang World Health Organization (WHO) ay nangunguna sa pag-eendorso ng mga halamang-gamot bunga ng mataas na presyo ng medisina na hindi kayang bilhin, lalo na ng mahihirap. Idinugtong ni Legarda na magan-dang alternative medicine ang mga halamang-gamot na napatunayang mabisa simula’t sapul nang gamitin ang mga ito ng ating mga ninuno.

Ayon pa kay Legarda, napakaraming halamang-gamot dito sa Pilipinas.

Ang malunggay na napakasustansiyang gulay ay maraming karamdamang pinagagaling bukod pa sa ito’y nagpapadagdag ng gatas ng mga inang nagpapasuso.

Isa pang mabisang gamot ay ang lagundi. Ang lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Ang mga may diperensiya sa baga ay nagsabi na malaking tulong sa kanila ang halamang-gamot na ito.

Ang malunggay at lagundi ay kabilang sa mga herbal medicine na ginagawang tabletas na ibenebenta sa mga drugstores.

AYON

GAMOT

HALAMANG

IDINUGTONG

ISA

LEGARDA

LOREN LEGARDA

PILIPINAS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with