Editoryal - Maraming nadadakma,maraming pumupuga
June 21, 2002 | 12:00am
IPINAGMALAKI ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa na 70 percent ng mga kidnapper ay kanilang na-neutralized. Inireport ng PNP sa Malacañang na mula July last year hanggang May ng kasalukuyang taon na 197 sa 277 kidnappers ay kanilang nadakma at bago pa anila nagtalumpati si President Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July last year ay may siyam na kidnappers na ang kanilang napapatay. Binanggit ng PNP ang ilan sa kanilang mga nadakmang kidnapping for ransom group: Pajes Group, Decena/Ramos Group, Santillan Group, Medrano Group at si Ronald Pine ng Pine Group. Pinakamabigat nilang nadakma ang Pentagon Gang leader na si Faizal Marohomsar alias Kumander Mubarak II.
Abot taynga ang ngiti ng PNP sa pagmamalaki na 70 porsiyento ng mga kidnappers ay naputulan ng sungay at ngayon ay pawang nasa kulungan. Isang malaking karangalan para sa kanila lalo pa at niyayanig ng kontrobersiya ang organisasyong ito. Ang malaking katanungan ay kung ang kanila bang mga nadadakmang kidnappers ay talaga bang nababantayan nila sa kulungang kinalalagakan o pinababayaan lamang at walang anumang nakatatakas.
Halos kasabay ng pagmamalaki ng PNP na naigupo nila ang mga kidnappers sa maikling panahon, inakyat naman ng suspected Pentagon Gang leader na si Marohomsar ang pader sa loob ng Camp Crame at walang kahirap-hirap na nakatakas. Naiwan sa kangkungan ang kanyang mga guwardiyang tutulog-tulog. Dalawa pang bilanggong kasama sa selda ni Marohomsar ang nakatakas. Hindi na makita ngayon ang kanilang mga anino.
Ito ba ang ipinagmamalaki ng PNP? Marami nga silang nahuhuli subalit gaano rin karami ang nakatatakas sa kanila. Gaano karami ang mga nadadakma na walang anumang nakatatakas makaraang lansihin at linlangin ang mga guwardiya? Kakahiya!
Sa mga susunod na araw ay may bagong uupong hepe ang PNP sa katauhan ni Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane. Sa nangyayari ay baka mangamote siya kung ang kanyang mga tauhan ay hindi niya didisiplinahin. Unahin muna niyang linisin ang bakuran at huwag ipagmamalaki ang mga nagawa sapagkat ang humuli ng mga kidnappers ay trabaho ng pulis. Huwag nang ipamalita at baka lalong maging kahiya-hiya na marami kayong hinuhuli pero marami ring pumupuga. Ano ba yan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended