Bilang isang Kristiyano, nasasabik din siyang makita ang mga lugar sa Israel na tumampok sa buhay ni Jesus.
Pagdating sa Israel ay natuwa siyang mamasdan ang kaunlaran ng Israel. Nagustuhan din niya ang Bethlehem, Mount Calvary, Mount of Olives, Gethsemane at Sea of Galilee.
Namamangha siya sa Sea of Galilee. Lagi niyang naaalala ang nakasaad sa Bibliya na lumalakad si Jesus sa ibabaw ng nasabing dagat. Sinubukan niyang umarkila ng barku-barkuhan para makapamasyal sa laot. Siningil siya ng $20. Medyo mahal pero pinikit na lang niya ang mga mata.
Pagdating sa eksaktong lugar ay nagdasal nang mataimtim ang magsasaka. Sa kanyang pagpikit ay para niyang nakita si Jesus na lumalakad sa dagat.
Nang sasakay na ang magsasaka sa barku-barkuhan para bumalik sa dalampasigan ay pinigil siya ng bantay.
"Ang ibinayad nyo ay para lang sa biyahe paparito. Magbabayad uli kayo ng $20."
"Diyos ko, napakamahal naman niyan," sabi ng magsasaka. "Ngayoy alam ko na kung bakit nilakad ni Jesus ang Sea of Galilee."