Iligtas ang mga buwaya
June 19, 2002 | 12:00am
NAGSASAGAWA ng mga seminars at workshops ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mapangalagaan ang mga buwaya na ayon sa ulat ay unti-unting naglalaho gawa na rin ng komersyalismo. Hinuhuli ang mga buwaya ng mga crocodile hunters at ang karne ng buwaya ay ibinibenta (masarap na pulutan ang crocodile meat) at ang balat naman ay kung anu-anong produkto ang nagagawa. Mahal ang sapatos na gawa sa balat ng buwaya gayundin ang mga bags at belts. Ginagawa ring derivatives ang mga buwaya. Aphrodisiac food ito, ayon sa mga sex experts.
Isang pag-aaral tungkol sa endangered specie na ito ang isinasagawa ng Pulaman Wild Life Rescue and Conservation Center-Crocodile Farming Institute (PWRCC-CFI) at binabalangkas ang isang framework na magiging giya na Natural Resources Development Corp. na siyang magma-manage ng PWRCC-CFI na inilunsad ng DENR at ng pamahalaan ng Japan noong 1987 para ipreserve ang dalawang endangered species of crocodile sa Pilipinas. Itoy ang freshwater crocodile (crocodylus mindorensis) at ang saltwater crocodile (crodulus porosus).
Napag-alaman na ang mga buwaya ay living dinosaurs na natitirang kasanib ng class archosauria. Ang ancestors ng mga buwayang ito ay nabuhay bago pa ang great age of dinosaurs may 65 milyong taon na ang nakararaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended