Revamp sa gobyerno ni GMA, kailangan na
June 18, 2002 | 12:00am
ANG katanungang kumukuliglig ngayon sa tenga ng mga mahilig sa pulitika at malalaking negosyante ay ito: May balasahan bang magaganap sa Cabinet ni President Gloria Macapagal-Arroyo? Ayon kay Acting Press Secretary Silvestre Afable, mayroon daw. Subalit sa pagpapahayag naman ni GMA, wala raw naman siyang gagawing pagbabago sa kanyang Cabinet.
Ano ba talaga ang totoo? Kung tutuusin, nagsimula na ang mga pagbabago sa Cabinet dahil sa ginawang pagbibitiw ni DOTC Sec. Pantaleon Alvarez at Chairman Alfredo Benipayo ng Comelec. Inilipat naman si MMDA chairman Benjamin Abalos sa Comelec at pinalit si dating Marikina Mayor Bayani Fernando. Itinalaga naman ni GMA si PNP chief Director Gen. Leandro Mendoza sa DOTC.
Maaaring may magandang rason si GMA sa pagtanggi niya na may revamp na mangyayari sa kanyang pamahalaan sa madaling panahon. Ayaw lang niya marahil na dumugin siya ng mga pulitiko at mga padrino ng mga interesado na malagay sa mga ibat ibang posisyon sa gobyerno.
Nabalita na natapos na diumano ang performance evaluation report na ginawa ng Presidential Management Staff at ng Cabinet Secretarial Staff na ipinag-utos ni GMA. Nasisiguro kong may magaganda ng performance ngunit marami rin sa Cabinet members at iba pang mga opisyal ni GMA ang walang ginawang magaling at nagpaporma-porma lamang sa loob ng kanilang panunungkulan. O, kita na ninyo, alam na ninyo kaagad kung sinu-sino ang mga ito, di ba?
Dapat ngang totohanin na ni GMA ang pagpapalit ng marami sa mga nanunungkulan sa pamahalaan ngayon. Hindi lamang sa Cabinet dapat magkaroon ng revamp. Pati sa pamunuan ng mga ibat ibang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan ay hindi sana paligtasin. Matagal nang dapat ginawa ito ni GMA. Palayasin na ang mga hindi nakatutulong sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended