^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng alak

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay naging tanyag bilang eksperto sa pagtikim ng alak na basi. (Ang basi ay gawa sa katas ng sugarcane).

Marami nang dekada na popular ang baryo dahil sa masarap na basi. Dinadayo ito ng mga tao. Labindalawang pamilya ang pinakamagaling sa paggawa ng basi sa baryo.

Pero ang naging tunay na bida ay ang magsasaka. Kasi pagbinibigyan siya ng isang basong basi ay nasasabi niya kung ilang taon nang ginawa ang basi at ang matindi pa ay kung sinong pamilya ang gumawa.

Ang pagtikim ng basi ay karaniwan nang nangyayari sa harap ng barberya at tindahang sari-sari. Sa tindahan ay may ipinagbibiling basi. Tatawagin ang magsasaka para sabihin kung ilang taon na ang alak at kung sinong pamilya ang gumawa. Walang kahirap-hirap na sinasabi iyon ng magsasaka.

Dumating ang araw na pati karatig baryo ay dumadayo para mapanood ang paglasa at pag-amoy ng basi. Sikat na sikat talaga ang magsasaka.

Nang mag-fiesta ang katabing baryo ay marami ang dumayo at nagbilihan ng basi at iniinom. Pagkatapos ay isa-isang lumalapit sa magsasaka para hulaan ang edad ng alak at kung sinong pamilya ang gumawa.

Nagsisigawan ang karamihan dahil sa laging tama ang hula ng magsasaka.

Hanggang isang tao ang lumapit sa magsasaka at iniabot ang hawak na baso na basi sa magsasaka.

Inamoy muna ng magsasaka at tinikman ang laman ng baso. Napadura ito at sumigaw.

"Tubig ito mula sa kanal!’’

Nagpalakpakan ang mga nanonood.

Hindi kuntento ang nag-abot ng baso at tinanong ang magsasaka ‘‘Sa harap ng kaninong bahay ko kinuha ang tubig sa kanal?’’

BASI

DINADAYO

DUMATING

HANGGANG

INAMOY

KASI

LABINDALAWANG

MAGSASAKA

MARAMI

NAGPALAKPAKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with