May malalim na mga damdamin sa kanyang puso, nauunawaan ni Jesus ang nakalulungkot na kalagayan ng Israel. Nakalibot na siya. Ngayon naman ay sinusugo niya ang kanyang mga alagad sa ibat ibang dako upang magpagaling kapwa ng katawan at kaluluwa (Mt. 9:36-10:1-8).
Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat silay lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kayat sinabi niya sa kanyang mga alagad, Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: Si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan ng mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus.
Ang labindalawang itoy sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.
Ang mga tupay nangangailangan ng pastol na magdadala sa kanila sa luntiang pastulan. Kailangan nila ang isang pastol na magtatanggol sa kanila. Dalawang ulit na sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na magpalayas ng mga demonyo. Pagalingin ang mga espiritu ng mga tao. Magbigay ng panloob na kapayapaan. Dapat din nilang bigyan-atensiyon ang katawan. Pagalingin ang mga maysakit mula sa lahat ng uri ng sakit na dinaranas nila.
Pagkatapos ay dapat nilang ipahayag na ang malalim na kahulugan ng kanilang mga ginagawa ay ang pagsasaganap sa paghahari ng Diyos sa gitna nila. Ang kabutihan ng Diyos ay iniaabot sa mga mahihirap.
Tunay nga, ang paghahari ng Diyos ay nagmumula sa buhay nating dito ngayon sa lupa. Ang pagpapagaling at kapayapaan para sa espritu. Kalusugan para sa katawan.