Dalawang tripulante ng barkong bumibiyahe kung saan-saan ang sinuri kamakailan lamang at inaamin nila na nakuha nila ang AIDS sa pakikipagtalik nila sa mga babaeng bayaran na lalong kilala sa tawag na akyat-barko. Isang marino na marami nang naka-sex na mga banyagang prostitutes ang nagsabi na hindi siya nag-ingat sa pakikipagniig. Inamin niya na abot langit ang kanyang pagsisisi ngunit huli na ang lahat. Bilang na ang araw niya sa mundo. Nananawagan siya sa mga kalalakihang gaya niya na mag-ingat sa pakikipag-sex. Dapat daw na gumamit ng condom at iwasan ang multiple sexual partners.
Ang ibang nakausap naming may AIDS ay may pakiusap na sanay huwag silang layuan at pandirihan ng kanilang mga mahal sa buhay at tanggapin sila ng lipunan bilang tao rin na may damdaming marunong masaktan.