^

PSN Opinyon

Dumarami ang may AIDS

-
BANTAY KAPWA ni Cielito "Mahal" Del Mundo PATULOY ang pagdami ng mga Pilipinong may (Aquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), tumataas ang bilang ng mga Pilipinong HIV positive, at karamihan sa kanila ay overseas Filipino workers (OFWs) Ayon sa DOH report, may 1,676 Pilipino ang HIV positive at tinatayang bawat taon ay kulang-kulang 100 Pinoy ang nasusuri na may karamdamang ganito. Noong Abril lang ay 26 ang bagong kaso na naitala. Karamihan sa kanila ay umi-edad sa pagitan ng 20 hanggang 49 anyos.

Dalawang tripulante ng barkong bumibiyahe kung saan-saan ang sinuri kamakailan lamang at inaamin nila na nakuha nila ang AIDS sa pakikipagtalik nila sa mga babaeng bayaran na lalong kilala sa tawag na akyat-barko. Isang marino na marami nang naka-sex na mga banyagang prostitutes ang nagsabi na hindi siya nag-ingat sa pakikipagniig. Inamin niya na abot langit ang kanyang pagsisisi ngunit huli na ang lahat. Bilang na ang araw niya sa mundo. Nananawagan siya sa mga kalalakihang gaya niya na mag-ingat sa pakikipag-sex. Dapat daw na gumamit ng condom at iwasan ang multiple sexual partners.

Ang ibang nakausap naming may AIDS ay may pakiusap na sana’y huwag silang layuan at pandirihan ng kanilang mga mahal sa buhay at tanggapin sila ng lipunan bilang tao rin na may damdaming marunong masaktan.

AQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

AYON

BATAY

BILANG

CIELITO

DALAWANG

DEL MUNDO

DEPARTMENT OF HEALTH

NOONG ABRIL

PILIPINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with