Sa tuwing sasapit ang eleksiyon, kalimitang nagbibigay ng babala ang mga masiste. Nararapat sa atin ang pamahalaang (o senado) ating nakukuha. Sumali na sa Senado na ang mga alaskador. Matunog ang kanilang halakhak sa kanilang mga panayam sa radyo at telebisyon.
Malinaw ang mensahe ng mga senador: Huwag kayong umasa ng malaki. Kikilos kami ayon sa aming konsiyensiyat interes.
Sapagkat lagi itong laman ng mga balita, milyung-milyon ang sumusubaybay sa mga makulay na kaganapan sa kongreso. Kabilang na dito ang mga kagila-gilalas na moro-morong martilyo session at madamdaming mga talumpati. Malamang ikaw ay natuwa, nagimbal, nadismaya, nagalit, nawalan ng pag-asa sa bansa at respeto sa mga senador o naawa na lamang sa sarili.
Ano ang dapat gawin? Maraming paraan upang ilugar ang mga alaskador at palabiro. Tingnan siya ng diretso at huwag tumawa sa kaniyang mga biro.