^

PSN Opinyon

Itigil na ang paninisi sa kamatayan nina Martin at Ediborah

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMING paninisi sa militar ang aking naririnig tungkol sa pagkamatay ng Amerikanong hostage na si Martin Burnham at Pilipino nurse na si Ediborah Yap. Walang tigil sa kangangawa ng mga miron na ang tanging ginagawa ay humanap ng dahilan upang manira lang.

Hindi alam ng mga gagong ito kung ano ang gustong sabihin ng isang giyera. Kapag nahaharap ka sa isang mahigpit na combat lalo na sa kalagayan ng panahon at ang uri ng lugar ng battlefield, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga casualties, maging sa tinutugis at ganoon din sa mga tumutugis. Sa kasamaang-palad nga lamang mayroon ding nabiktima at ang mga ito nga ay sina martin at Ediborah. Mahirap talagang iwasan ang ganitong pangyayari kahit na itanong pa sa mga eskperto.

Ilang miyembro lamang ng oposisyon at mangilan-ngilang kritiko ng administrasyon ang ayaw umunawa sa naganap na labanan ng militar at Abu Sayyaf noong June 7. Imbes na unawain at bigyan ng papuri ang kabayanihan ng ating mga sundalo sinisisi pa ang mga ito. Dapat siguro ay ang mga gunggong na naninira ang ilaban sa Abu Sayyaf!

Mismong si Gracia Burnham asawa ni Martin, ang paulit-ulit na nagsabi ng kanyang pagpuri sa militar at sa kagandahang loob ng mga Pilipino. Walang anumang negatibo o pasubali ang naririnig sa kanyang mga pahayag dito sa Pilipinas o sa pag-uwi niya sa Kansas. Si Gracia ay nasugatan sa rescue operation.

Tigilan na ang isyung sa rescue ng mga hostages. Ipagdasal na lang natin na manahimik na ang mga kaluluwa nina Martin at Ediborah. Ipanalangin din natin na masugpo na sa madaling panahon ang Abu Sayyaf at manumbalik ang katahimikan at kaunlaran sa Mindanao. Shalom.

ABU SAYYAF

AMERIKANONG

EDIBORAH

EDIBORAH YAP

GRACIA BURNHAM

MARTIN BURNHAM

PILIPINO

SI GRACIA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with