^

PSN Opinyon

Ang mga Burnham, si Yap at ang Abu Sayyaf

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ISANG linggo na ang nakararaan nang si Martin Burnham at Ediborah Yap ay mapatay sa enkuwentro ng mga Pilipinong sundalo at mga Abu Sayyaf. Si Gracia Burnham ay nasugatan subalit buhay. Kahit na napakaraming mga panalangin ang inialay para sa kaligtasan ng mga hostages, ganito pa rin ang naging resulta. Dalawang patay, isang buhay.

Si Ediborah ay isang nurse sa Jose Torres Hospital sa Lamitan, Basilan nang sinalakay ng Abu Sayyaf. Kinuha sina Ediborah at iba pang mga manggagawa sa ospital na sina Shiela Tabuniag at Reina Malonzo. Sina Tabuniag at Malonzo ay pinalaya noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa kanyang unang asawa, si Ediborah ay nagkaanak ng tatlo — si Jonathan, 22-anyos, si Jay Anthony, 18, at si Mary Ann, 16. At sa kanyang pangalawang asawa, si Ediborah ay nagkaroon ng isang anak, si Lawrence William, 6.

Paano natin haharapin ang ganitong nakalulunos na pangyayari ng pangho-hostage, pagpatay at pamumuwersa sa tao na magbayad ng ransom o panubos?

Ang mga gawain ng Abu Sayyaf ay dapat itakwil.

Subalit ang problema sa Mindanao ay malulutas lamang sa pamamagitan ng paglunas sa kahirapan ng mga mamamayan. Ang kahirapan ang nag-uudyok sa mga tao na gumamit ng karahasan. Ang mangidnap. Ang pumatay. Hindi ito sang-ayon sa dangal ng tao. Ang Simbahan at ang gobyerno ay dapat seryosong maglunsad ng programa na magbibigay sa mga mamamayan ng lupa, pabahay at matatag na hanapbuhay.

Ito ay isang hamon kapwa sa Simbahan at sa gobyerno. Samantala, ang pakikipag-usap o diyalogo sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano ay dapat magpatuloy.

ABU SAYYAF

ANG SIMBAHAN

EDIBORAH

EDIBORAH YAP

JAY ANTHONY

JOSE TORRES HOSPITAL

LAWRENCE WILLIAM

MARTIN BURNHAM

MARY ANN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with